Her Name Is Monique

CHAPTER 22: Why So Sudden?



(Patty)

Nawala ang pekeng ngiti sa aking mga labi na ipinaskil ko kanina upang hindi mahalata ng mga Zairin ang nararamdaman ko, iba kasi ang atmosphere pagpasok ko pa lang sa room namin. Matapos kasi na makapag isip-isip ako sa garden dito na ako dumeretso. Sobrang tahimik. Aakalain mo pang walang tao.

'Anong meron?' nagtatakang naisip ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Lahat sila tahimik na mostly dapat maingay at may kanya kanya ng tumpukan ang mga Zairin boys at kung anu ano na ang pinag-uusapan, mga babae, business ng mga kanya kanyang pamilya at mga bagong sasakyan. "Mga kuys, anong meron? Bakit ang tahimik niyo yata?" tanong ko saka humakbang papunta sa aking upuan. Pinasigla ko ang aking boses para hindi nila mahalata na malungkot ako.

"Nalaman nilang lilipat ka na daw Pat-pat kaya ayan ganyan sila." sagot ni kuya Vince.

"Ahh." iyon lang ang naisagot ko. Sinabi pala ni kuya Vince sa kanila.

Na-touch naman ako dahil hindi ko inaasahan na magiging ganyan ang reaction nila sa nalaman na paglipat ko.

Hindi ko na tuloy alam kung paano pa magpapanggap na masaya ngayong nalaman na nila na lilipat ako.

"Nakakalungkot man na aalis ka na Pat-pat pero wala naman tayong choice." malungkot na turan ni kuya Vince at marahan na pi-nat ang ulo ko.

"Patty?"

"Princess may naghahanap sa'yo." turan ni kuya James.

Napatingin ako sa pinto kung saan naroroon si Lina.

Pagkakita sa kaibigan mabilis akong tumayo.

"Bakit Lina?"

"Pwede ka ba makausap? May klase na ba kayo?" anito na sinilip konte ang loob ng room namin.

"Wala pa naman, baka nga vacant kami ngayon dahil wala pa ang prof. namin hanggang ngayon."

"Gusto sana kita makausap sandali."

"Sige. Tungkol ba saan?"

"Doon na lang tayo sa labas."

Tumango ako saka sabay na kaming naglakad. Dito kami sa garden napunta.

"Totoo ba na aalis ka na daw?" malungkot nitong tanong sa'kin matapos kaming makaupo sa isa sa mga bench doon.

"Nalaman mo na rin pala." mahinang turan ko saka bumuntong hininga.Content © NôvelDrama.Org.

"Anong nangyare? Bakit biglaan naman Patty?"

"Nagulat na lang din ako ng tawagan ni mommy."

"Nakakalungkot naman."

Ilang minuto kaming walang imikan ni Lina at nakatanaw lang sa garden.

"Kung hindi nakakahiya, itatanong ko lang sana Patty kung totoo rin ba yung narinig ko." anito makalipas ang ilang minuto.

"Ano 'yun, Lina?"

Lumapit ito ng bahagya sa'kin. "Totoo bang ampon ka daw?" bulong nito habang tinatakpan ang bibig nito.

Nagulat ako sa tanong nito. "P-paano mo nalaman..... 'yun?"

"Naku! Sorry Patty. N-narinig ko lang sa office, hindi ko naman sinasadyang marinig. Saktong nag-uusap ang ilang prof. natin at ang dean about nga doon, ayon narinig ko. Kaya tinanong kita ngayon kung totoo nga." nakangiwi nitong turan. Nakapagtataka. Ang pagkakaalam ko walang ibang nakakaalam sa university na ito na ampon ako bukod sa dean. Bakit alam ng mga professor namin ang tungkol doon? Sinigurado nila mommy na top secret iyon. Kaya nga noong tinangka nila Catherine na kunin ang information ko wala silang nakuha.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Siguro hindi naman masama na sabihin ko kay Lina, she's my friend after all.

"Totoo 'yun Lina. Ampon lang ako ng mommy at daddy ko."

Nagulat ito, ang mga kamay ay napatakip pa sa bibig. Hindi ko naman siya masisisi..

"Ilang taon ka noong inampon ka nila? Kilala mo ba kung sino ang totoong mga magulang mo?" sunod sunod na tanong nito.

"Ang sabi nila mommy 5 years old lang ako noong inampon nila. At hindi ko kailan man nakita ang totoong mga magulang ko." "Hindi mo sila nakilala?"

Umiling ako. "Wala akong maalala. Basta nagising na lang ako naroroon na ako sa orphanage."

"Ganoon ba. Panigurado sobrang sakit no'n para sa'yo, ang hindi man lang makilala ang mga magulang mo." malungkot na turan nito at hinagod ang likod ko.

"Sa totoo lang okay naman na ako. Mababait sila mommy sa'kin at si daddy. Itinuring nila akong tunay na anak at minahal nila ako ng totoo."

"Sabagay. Be thankful na lang na mababait ang mga magulang na umampon sa'yo."

Tumango ako sa sinabi ni Lina. Totoo, sobrang laki ng pasasalamat ko kasi mababait sila. Ngunit alam ko may mga hindi sila sinasabi sa'kin.

"Noong nasa ampunan ka may mga naging friends ka ba doon? Naaalala mo pa ba sila?"

Napangiti ako bigla sa tanong nito. "Oo naman, pero nag-iisa lang siyang naging kaibigan ko doon. Siya lang kasi ang nag-iisang nakipagkaibigan sa'kin. Lahat kasi ng mga bata doon, binubully ako."

"Grabe naman sila. Okay ka lang ba Patty?"

Hinagod nitong muli ang likod ko ng makita na nalungkot akong muli.

"Okay lang naman ako kaso simula kasi ng ampunin ako nila mommy hindi ko na siya nakita. Nangako pa naman siya na kahit anong mangyare magkikita pa rin kami. Siya si Gelo. Ang laging nagtatanggol sa'kin kapag may nambu-bully sa'kin. Kaso hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nahahanap."

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hayaan mo na, baka hindi pa lang ngayon ang time para magkita kayo."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni Lina. Siguro nga magkikita pa rin kami ni Gelo, hindi lang ngayon pero soon. Hihintayin ko pa rin siya kahit gaano 'yun katagal.

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Lina na halos hindi na namin napansin ang oras. Gumaan na ang loob ko kahit papaano.

Nalaman ko rin na ampon siya tulad ko at isa rin iyong nakakagulat. Sabi niya kaya tinanong niya ako kaagad dahil pareho pala kami ng pinanggalingan at ng nararanasan ngayon.

(Prince)

"Matagal pa ba? At kailan ko naman makukuha ang result?"

(Matatagalan po ito Mr. Del Fierro. Halos lahat ng cctv ay nadamay sa sunog, pero sa palagay ko sinadya ang nangyareng sunog boss.)

Hindi na ako nagulat sa sinagot ng secret agent na ni-hire ko. Inaasahan ko na iyon, may kutob na akong may sumunog talaga sa guest house na tinuluyan nila Patty noon at hindi isang aksidente lamang. "Okay. Just be careful na hindi kayo mahuli and please kung maaari pakibilisan ang pagsisiyasat niyo, I don't have much time."

(Yes bossing.)

Binaba ko na ang phone ko matapod ang tawag. Tiningnan ko ang mga huling kuha ng cctv. Alam ko una pa lang may mali na. Maaaring nasa paligid lang namin ang may kagagawan. 'Pero anong motibo niya para gawin iyon kay Patty? Maging ang nangyareng pagtangay kay Patty noong audition ng hindi nakikilalang lalake at matagpuan itong walang malay. May konektado ba iyon doon?

Alam ko malulutas din ito, konte na lang alam ko malalaman ko din kung sino ang gumagawa ng mga bagay na ito kay Patty.

Isa na lang ang gusto ko pang malaman. Patty, knew my second name na kahit kanino hindi ko pa sinabi. 'Paano niya ako.... nakilala?' Hindi ko pa iyon naitatanong sa kanya.

Ngunit mahihirapan akong malaman ngayong aalis na siya rito sa university. Why so sudden?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.