Her Name Is Monique

CHAPTER 21: Paglipat Muli Ng School



(Prince)

"Magaling ang loko loko." nakapameywang na usal ni Niko habang nakatutok sa monitor.

Naririto kami sa security office at sinisilip ang mga kuha ng CCTV noong mga oras na may tumangay kay Patty na hindi kilalang lalake. Dalawa lang kami ni Niko dahil may iba namang iniimbistigahan sila Vince at Renz. "Ano nga kaya ang pakay niya kay Patty?" Wala kasi akong maisip na dahilan para gawin niya iyon sa dalaga.

"Pinagplanuhan niya, dahil maging ang mga CCTV patay ng mga oras na 'yon." sambit ni Niko saka tumayo at lumapit sa isa sa mga table do'n at doon umupo. "Paano natin malalaman kung sino ang gagong 'yun? Wala tayong makikitang ibidensiya."

"Isa lang ang makakagawa n'yan dito pero ayokong manghusga. I still need some proof." turan ko at saka lumapit muli sa monitor at may iba pang hinanap.

"You know him?" namamanghang rinig kong tanong ni Niko mula sa table na kinauupuan nito. "Yeah."

"Then who?"

(Patty)

Narinig ko ang bulong-bulungan bago ako makapasok sa library habang ako'y naglalakad. May mga kukunin kasi akong libro para sa mga notes ko. "Catherine Morgan is back, the queen bee."

Napahinto ako sa tangkang pagpasok sa library. Nakapasok na pala si Catherine. Kamusta na kaya siya?

"Napatunayan daw na wala siyang kinalaman sa naging sunog sa tagaytay. If I know pinagtakpan na naman yan ng mga maimpluwensiya niyang magulang." sarkastikong turan ng isang babae. "Aba't! Mga marites na 'to." inis na turan ko.

Pupuntahan ko na sana ang kinaroroonan ng mga ito at sasawayin sila na 'wag agad magsalita ng mga bagay na wala namang pruweba kaso may mga brasong pumigil sa'kin. Nakakunot noo na nilingon ko ito. Nagulat ako ng makita na si Catherine mismo iyon. Nakasandal ito sa gilid ng library nagtatago doon na nakatingin sa'kin habang umiiling.

"You know what mas gusto ko pang wala ang Catherine na 'yun."

"Yeah! Me too."

"Akala mo pagmamay-ari niya ang mga taga Zairin boys kung makabakod siya sa mga ito."

"Kung hindi lang din naman dahil sa mga magulang niya wala siya sa kung nasaan siya ngayon. Nagtataray yan kasi feeling niya nasa kanya na ang lahat. "Ang creepy niya, right? Muntik na siyang makapatay ng tao dahil lang sa nagseselos siya."

"Like, napakababaw naman niya."

"So disgusting."

"And who the hell you to speak like that to someone na hindi niyo naman lubos na kilala? Sino kayo para pagsalitaan ng ganyan si Catherine? Huh?"

"N-nikkolo!?"

Nagulat ang grupo ng mga babae. Namutla ang mga ito pagkakita kay kuya Niko.

Gulat na napatayo ng maayos si Catherine at tumingin kung saan naroroon si kuya Niko. Maging ako nagulat ng bigla sumulpot ang binata doon.

"Niknik!" mahinang usal ni Catherine. Nangilid ang luha nito habang nakatingin kay kuya Niko.

"A-ano lang. Wala naman---"

"Do you have proof? Huh? That she killed someone?" galit na galit na tanong nito sa mga babaeng nag-uusap usap kanina.

"W-wala, pero---"

"Wala naman pala. 'Wag kayong magkalat ng balita, ng wala naman kayong maipakita na pruweba."

Natahimik ang mga ito saka yumuko. "Sorry Nikkolo."

Nagkatinginan muna ang mga ito bago mabilis na umalis sa harapan ng galit na galit na si kuya Niko.

Catherine started to cry. Ang kanina pa nitong pinipigilang luha ay inilabas nito ngayon. Ang mga kamay nitong hindi bumitaw sa braso ko'y ramdam na ramdam ko ang panginginig.

I hug her at inalo ito habang hinahagod ang likod nito. Nakita kami ni kuya Niko at kitang kita na hindi nito inaasahan na makita ako doon kasama si Catherine.

Bumakas sa mukha nito ang sakit habang nakatingin kay Catherine na umiiyak na nakayakap sa'kin patalikod sa kung saan naroroon si kuya Niko. Lumambot ang expression nito at nawala ang kanina'y galit na galit. Naglakad ito papalapit sa amin habang hindi inaalis ang mga mata kay Catherine ng walang kaalam alam ang dalaga.

"Pwede ba kitang makausap..... Catcat?" malamyos na usal ni kuya Niko kay Catherine.Content rights by NôvelDr//ama.Org.

Hindi ko inasahan na may ganitong side si kuya Niko. Bigla naging mature ito sa paningin ko katulad noong nagkwento ito about sa kanila ni Catherine. Nagulat naman si Catherine ng marinig ang boses ni kuya Niko. Nagpahid ito ng luha saka umalis sa pagkakayakap sa'kin at lumingon kay kuya Niko. "I'm sorry, Catcat."

Mabilis lumabit dito si Catherine at yumakap ng mahigpit at umiyak muli.

Sumenyas na lang ako na uuna na ako kay kuya Niko. Kailangan nilang makapag usap ng masinsinan. Ilang araw rin nawala si Catherine dahil sa naging issue sa tagaytay. Tumango naman si kuya Niko at bumulong ng salitang salamat. Napangiti ako dahil magiging okay na sila at ramdam kong okay na rin kami ni Catherine.

Nakangiti akong pumasok sa library after makita na nakalayo na sila kuya Niko at Catherine na magkahawak ng kamay.

"Patty!"

Nakangiti kong nilapitan si kuya Renz. After kong makalabas sa library. Hindi pa ako nakakalayo ng makasalubong ko ito na hingal na hingal malapit sa library.

"Bakit hingal na hingal ka?" Ano 'yun kuya Renz?"

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Pwede ka bang pumunta sa bahay mamaya?" sa pagitan ng paghingal na turan nito.

"Huh? Bakit?"

"Ilang araw na kasi akong kinukulit ni mom na dalhin ka doon. She really loves you Patty."

Napakamot ako dahil hindi ko alam ang gagawin dahil sa totoo lang gustong gusto ko. Hello! Mga Dela Vega 'yun, ako pa choosy? Nangungunang pinakamayamang pamilya 'yun. "Ano kasi, kuya Renz baka hindi ako payagan nila mommy."

"Gano'n ba?"

Bumakas ang lungkot sa mukha nito at nasasaktan akong makita ito ng ganoon.

"Pero susubukan kong magpaalam kuya Renz."

"Talaga?" bumalik ang mga ngiti nito.

"Aasahan ko yan Patty ha." masaya na nitong pi-nat ang ulo ko at umalis na.

Tinitigan ko ang likod nito habang naglalakad papalayo sa kinaroroonan ko. Napakamot ako sa batok. "Ano kaya ang gagawin ko? Baka kasi hindi ako payagan nila mommy." Bumalik sa alaala ko ang nangyare sa bahay kahapon, ang pag-uusap ni mom and dad.

"Lina?"

Nakalimutan ko bigla ang iniisip ng makita si Lina na mabilis lumabas sa library at isinilid ang cellphone.

"Anong ginagawa ni Lina doon? Bakit hindi ko siya nakita sa loob kanina?"

Kunot na kunot ang noo ko habang nakatanaw na lamang sa dalaga na mabilis naglalakad papalayo.

Napakibit balikat na lang ako at umalis na rin doon. Babalik na ako sa room dahil magrereview pa ako ng mga notes. "Siguro hindi rin ako nito nakita sa loob kanina.

Malapit na ako sa room ng makarecieve ng tawag kay mommy. Nagtaka ako bigla, ano kaya ang nangyare? "Hello mommy, bakit po?"

(Kunin mo na ang ilang gamit mo d'yan sa school. Uuwi na tayo sa bahay natin sa probinsiya.)

Nawala ang mga ngiti ko sa labi.

"B-bakit po mommy? Bakit biglaan?"

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Bakit ngayon pa na kung kailan okay na ako dito sa university. Kung kailan marami na akong nahanap na mga kaibigan saka aalis na naman kami. (Natapos na ang mga dapat naming gawin dito ni daddy mo kaya babalik na tayo doon, baby.)

"Paano po yung business niyo dito? Sino ang mag-aasikaso kung aalis tayo ulit?"

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

(May itinalaga na ang daddy mo sa bagay na yan, kaya pwede na tayong bumalik sa dati nating bahay. Twice a month na lang babalik dito si daddy mo para i-check ang business, anak.)

"Pero mommy, okay na po ako dito. Okay naman ang mga grades ko at nakapag-adjust na po ako dito. Marami na rin po akong mga kaibigan dito. Sayang naman po kung bigla lilipat akong muli ng school." "Lilipat ka ng school Patty? Bakit?"

Narinig ko na biglang sabi ni Prince mula sa likuran ko.

"Mommy, tatawag na lang po ulit ako mamaya. Bye."

Pinatay ko muna ang tawag at hinarap ang nakakunot noo na si Prince na nakatingin sa'kin.

"Iyon ang sabi nila mommy e."

Malungkot na sagot ko saka yumuko. Bakit pakiramdam ko naiiyak ako, ang sakit sa dibdib isipin pa lang na aalis na ako dito at mapapalayo na sa mga bagong kaibigan na nakilala ko dito. Lalong lalo na kay Prince. "Bakit biglaan? At saka mag-iisang buwan ka pa lang dito."

"Hindi ko rin alam Prince." malungkot pa rin na sagot ko.

"Anong meron? Bakit parang ang seryoso niyong nag-uusap Pat-pat at Prince?"

Napalingon kami ni Prince kay kuya Vince na lumapit sa kinaroroonan namin at umakbay kay Prince na seryoso ng nakatingin sa'kin.

Galit ba siya? Pero bakit?

"Ask her."

Sabi lang ni Prince at mabilis umalis at iniwan kami roon ni Prince na nagtatakang hinabol ito ng tingin.

"Anong nangyare do'n. Ba't biglang nagsungit?"

Wala akong naisagot kay kuya vince na takang taka pa rin.

"Ano pala yung pinag-uusapan niyo Pat-pat?"

"Ano kasi kuya Vince. Lilipat na ulit ako ng school." ngiwing sagot ko.

"Huh? Bakit naman? Bakit lilipat ka? Okay ka naman dito."

"Hindi ko rin alam e. Iyon kasi ang sabi sa'kin nila mommy. Kakatawag lang sa'kin. Biglaan nga."

Gulat pa rin si kuya Vince. "Gano'n ba. Sayang naman." malungkot na turan nito.

Matapos namin mag-usap ni kuya Vince hindi muna ako bumalik sa room namin. Nalulungkot ako at hindi ko alam kung kaya kong harapin ang mga Zairin. Baka maiyak ako, nakakahiya. Maikling panahon ko lang silang nakasama pero napalapit na ako sa kanila, mababait sila at hindi iba ang turing nila sa'kin. Pero, may choice ba ako?

Naririto ako sa garden, mag-isa lang dahil wala naman ibang estudyante dito. Ang tahimik mas lalo yata akong nalungkot.

Bakit nga kaya biglaan? Ganoon ba kabilis natapos nag business nila dad dito? Or baka isa sa dahilan ay ang mga narinig kong pinag-uusapan nila mommy kahapon. Sino ba ang kukuha sa'kin na kinatatakutan nila? Isa man sa dahilan 'yun wala rin naman akong magagawa. Hindi ko mapigilan mapaluha, nalulungkot talaga ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.