Respectfully Yours

Chapter 45



Chapter 45

Anikka

Papasok na kami ng Law school. Oo kami, kasama ko yung hinayupak na ito sa gilid. First, pinipilit niya

na huwag muna akong pumasok baka daw masakit pa. Sabi ko naman ay hindi na, pero siya pa rin

yung mapilit. Isang araw naman na ang nakalipas ng mangyari iyon He is very concern with me now,

mas naging alagang-alaga siya sa akin. Wala naman akong magagawa dun dahil gusto naman niyang

gawin iyon at gusto ko rin naman yung ginagawa niya, infact kinikilig nga ako eh, minsan nagbablush

pa ako sa harapan niya. Tss.. sobrang nakakahiya iyon, lalo na kapag nakikita ko pang ngingisi siya

pag nakita niya ang pula sa pisngi ko.

Ipinush ko na papasok ako, dahil ilang araw na akong abscent, muntik na nga akong idrop, pero

sadyang malakas si Lolo dito kaya ok lang. Pero kahit na malakas si Lolo dito ayoko naman na

abusuhin ito, just like nung ginagawa ko noong high school pa ako.

Sadyang nakulitan na sa akin si Lukas, kaya sabi niya sasama na lang siya, total naman daw at wala

siyang gagawin at gusto daw niya akong bantayan. May instant bodyguard pa ako, plus na itong ubod

na gwapo niyang mukha na hindi ko mapigilan na matitigan.

Nahihiya akong aminin sa kanya iyon dahil sigurado akong magpapalakpakan ang tainga nun.

Habang naglalakad kami sa hallway ay maraming nga babae na nakatitig sa kanya. Sobrang

nakakairita ang mga titig nila ang lalagkit! Hindi ba sila marunong mahiya sa akin? Hindi ba nila alam

na kasama ko siya, holding hands na nga kami o! Wala bang mga common sense ang mga ito. Tss..

Lukas is for my eyes only!

Yun ang gusto akong isigaw sa mga ito! Sa sobrang pagkakairita ko sa mga hukluban na ito, kaso

ayaw ko ng iskandalo at ayaw kong patulan ang mga ito. Kung sabagay hanggang titig lang sila at

hindi nila mababago ang katotohanan na sa akin lang itong hinayupak na to.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, ngising-ngisi ang mokong. Tuwang-tuwa pa siya samantala ako inis

na inis na dito. Siguradong namamayagpag na naman ang kanyang mahiwagang ego.

Kumalas ako sa kanya at binilisan ang paglakad. Maiwan ka diyan! Bwisit siya!

Mas nag-eenjoy pa siya dun, mukhang nakalimutan niya na may kasama siya.Doon na lang siya at

bahala siya sa buhay niya. Bwisit talaga!

Napatili ako nang maramdaman ko na may umakbay sa akin.

Nagtampo naman na itong bebe ko." Ewww saan niya ba nakuha iyon. Hindi ko alam na gumaganyan

na siya. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin ininis mo kong hinayupak ka, madusa ka!

Pagpasok sa room ay napansin ko na wala sila Nicole at Yen, mukhang di yata papasok yung mga

yun, pero bakit? Ininform naman nila sa akin dati.

.........................

"Section 12 of the Bill of rights is that to be informed of his right to remain silent and to have competent

and independent counsel preferably of his own choice. It is under the constitutional rights....."

"What the fuck I cant understand what she's saying. Bulong niya sa akin.

"Tss.. sumama-sama ka pa kasi. Lumayas ka nga! " Sabi ko na lang.

"No, kahit di ko maintindihan ang pinagsasasabi niya I am staying here because you're here di tayo

maghihiwalay." Hay nako whatever mas magandang ifocus ko na lang muli ang sarili ko sa

paglelecture.

Pero mukhang di na yata ako makakapagconcentrate, nasisimula siyang mandistract and he is such a

great destructor.

Malagkit niyang hinihimas niya yung hita ko, Puntangina Lukas! Huwag mong pairalin ang kamanyakan

mo.

"Ooohh baby, I want you." He said in a husky voice at doon na ako napasigaw. Hindi ko na mapigilan,

nakakainis siya.

"Lukas!" Pero mukhang ayaw mag-paawat patuloy pa rin, hinahawi ko na yung kamay ko sa kamay

niya, pero mas dinidiin niya pa ito. Lumilinga-linga ako sa paligid, baka may makakita sa ginagawa

niya. Mabuti na rin at nasa likod kaming dalawa, wala masyadong makakakita.

"Lukas!!" Hindi ko namalayan na napalakas na yung boses ko sa kaawat sa kanya, dahil tumataas na

yung kamay niya, papunta na doon sa hindi dapat mapunta.

"What's that noise?" Natigilan ko nang humarap si attorney sa amin.

"Ms. Fuentes, kung maglalandian lang kayo ng boyfriend mo dito ay makakalabas ka na, I dont need

you in my class."

"But ma'am." Tutol ko, wala naman kasing akong ginagawa na masama a? Umiiral lang ang

kamanyakan nito.

"Out!" Maotoridad niyang sabi habang nakaturo sa pintuan. Wala akong choice kundi lumabas.

Hinayupak ka talaga Lukas! Aish! Kung hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Attorney huwag siyang

mandamay, nag-aaral yung tao eh.

"Yan, marami na tayong oras together." Sabi niya at sa palagay ko ay double meaning iyon dahil

ngising aso na naman siya.

"Hay nako ewan ko sayo! Bwisit! Sabi ko na lang at iniwan siya doon. Pero sadyang mabilis siyang

maglakad at nandoon sa siya sa harapan ko.

"Oh bakit kunot na kunot ang noo ang baby ko?" Sabi niya habang nakatingin sa akin. Marami pa rin

ang mga tumitingin sa kanya pero hindi tulad kanina, ay wala na siyang pakialam sa mga ito.

"Ask yourself. hmp." Sabi ko at iniwan siya doon.

"Ay nagtatampo talaga ang bebe ko." Hindi ko na lang siya pinansin, bahala ka sa buhay mo, naiinis

ako sayo"

"Hay nako, kayong mga babae, gusto niyo pang sinusuyo." Sabi niya at umakbay sa akin. Inalis ko

yung kamay niya pero inakbay niya uli. Hindi na lang ako kumilos. Kahit anong gawin niya ay naiinis pa

rin ako sa kanya. simula kanina hanggang sa discussion.

"Kikiss kita." Di ko pa rin siya kinibo, saan niya ba nakukuha ang ganyan. Para kaming mga teenager

nito.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil, hawak niyaang unang butones ng kanyang polo. Nagulat ako nang

binuksan niya yung unang tatlong butones ng kanyang polo. Huwag niyang sabihin na maghuhubad

siya dito? Gusto niya bang lalong pagpiyestahan dito.

"Lukas!" Pag-awat ko ng buksan niya ang ika-apat butones ng polo niya.

"I wont stop, until pinapatawad mo na ako." Aniya habang binuksan niya ang isang butones.

"Lukas!" Pag-awat ko muli sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya, hanggang sa natangal na niya ang

lahat ng butones. Nakikita na ang mapanuksong abs ng hinayupak na ito at kitang kita ko na malagkit

na ang tingin sa kanya ng mga tao. Napahilot na lang ako sa sentido ko.

"Ok, peace na tayo ha. Magdamit ka na please." Sabi ko, napayakap na lang ako sa kanya para

matakpan ang matipuno niyang katawan. Hindi ko kaya na pinagpipiyestahan ng nga mata si Lukas

and most importantly those are also for my eyes only ulit.Text content © NôvelDrama.Org.

"Hindi mo rin pala ako matitiis eh."

"Sige na oo na! Pasalamat ka mahal kita." Sabi ko at hinigpitan ko ang yakap sa kanya, para wala na

silang makita. Ayokong makita nila ang mahiwagang abs ni Lukas, ako lang dapat ang makakakita

doon, ako lang. Akin lang iyon.

Marami na ang mga nakatingin sa amin pero wala akong pakialam as long as hindi nila nakikita ang

dapat makita.

"Anikka." Malambing niyang sabi.

"Hmm?"

"Tsansing na yan." Aniya! Agad akong bumitaw sa kanya at iniwan siya doon. Namuo muli ang

pagkainis ko sa kanya

Bwisit ka! Pagpiyestahan ka sana diyan, pagkaguluhan ka sana.

"Uy joke lang eh." Tapos ay hinabol niya ako, bukas yung pulo niya kaya exposed ang kanyang mala-

adonis na katawan. Tila ang hot hot niya sa pagtakbo, dahil unti unti na nalilihis yung polo niya, mas

nakikita ang dashboard chest at chiseled abs ng hinayupak na iyon. He is like a model, a greek god.

Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako ngayon.

Gosh! Bakit? He is such a tease dapat naiinis ako diba, pero nagawa ko na naman na pagnasaan ang

katawan niya. Gawd!

"Hug nga kita." Aniya at hinila niya ako sa kanyang bisig. Ramdam na ramdam ko yung init na mula sa

kanya na sapat na para tunawin ang inis ko sa kanya.

"Peace na tayo ha."

"Oo na mahal ko."

.....................................

"Anikka!!" Medyo nilayo ko yung phone ko sa tainga ko dahil naririndi ako sa alingawngaw ng boses ni

Nicole. Why does she need to shout like this, na para bang may nakitang kung ano.

Nang maramdaman ko na tumahimik ang kabilang linya ay muli kong binalik ang phone sa tainga ko.

"Bakit?" Malumanay kong sabi.

"Eris is back."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.