CHAPTER 5: Only Girl
(Patty)
"Are you okay, Miss?" nagulat ako sa biglang nagsalita sa likuran ko, nilingon ko siya at... Ang ganda niya.
"Did I scare you? I'm sorry about that." natatawa nitong turan sa'kin.
Pinasadahan ko ang suot niya. She's wearing a maroon skirt with a slight slit in the side. Maging ang kanyang suot na pang itaas ay maroon din, kulay yellow naman ang kwelyo nito. 'She's a teacher.' "Naku! Hindi naman po. Nagulat lang po ako." magalang na sagot ko naman sa kanya.
"Okay! So ano ginagawa mo dito sa labas? Bakit hindi ka pa pumasok? Is there any problem?" Sunod-sunod na tanong niya sa'kin.
"Ahm... Nahihiya lang po akong... pumasok." Napapakamot sa batok na turan ko sa kanya.
At nasa loob din po ang taong iniiwasan kong makaharap. Gusto ko sana i-dugtong sa sinabi ko pero nakakahiya teacher pa naman ang kaharap ko ngayon.
"May kailangan ka ba sa loob?"
"Transferee po ako Ma'am. Ito po kasi yung magiging department ko ayun dito sa binigay na papel ng Dean sa akin."
"Ohw! I see. You must be Ms. Patty Salvador, right?"
"Yes Ma'am."
"O---kay!" aniya habang tumatango ng marahan. Ngumiti ito sa'kin kaya lumabas ang dimple niya sa magkabilang pisngi. "Don't worry mababait naman ang mga magiging classmates mo." anito. 'Sana nga ma'am.'
"By the way, ako nga pala ang magiging adviser mo. I'm Carla Valdez," pagpapakilala nito.
'Pero teka paano niya nalaman? Ni Hindi pa nga ako nagpapakilala sa kanya.'
Matagal napatitig sa'kin si Ma'am. Ganoon ba kapanget ang suot ko kaya halos lahat ng tao dito ganyan ang nagiging reaction.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" Magalang na tanong ko sa kanya. Medyo natulala kasi siya.
"Oh yes, yes. I'm sorry," hinging paumanhin niya tapos muling ngumiti.
'Bakit kaya?' Ang weird.
"Okay. Just wait here for a while kakausapin ko lang ang mga magiging classmates mo sa loob, then I will introduce you to them." Tumango naman ako bilang sagot. Kinakabahan pa rin ako. Lalo na sa part na magiging classmates ko ang lalakeng 'yon.
Iniisip ko rin na baka masusungit, maaarte at lait laitin ako ng mga magiging classmates ko dito. Hindi sa pinangungunahan ko pero karamihan sa mayayaman mapanglait. Pinagbabasehan nila ang estado mo sa buhay bago ka nila lapitan at kaibiganin. Reality hurts ika ka nila.
Iniisip ko pa lang na makakasama ko ang tulad ng mga nakasalubong ko sa labas lalo na ng mga babae doon napapaisip na ako kung paano ko sila pakikibagayan. Namiss ko tuloy ang mga naging classmates at mga naging kaibigan ko na sa dating school na pinapasukan ko. Sayang.
'Lord sana naman po mababait sila, wala sanang matataray at mga mapanglait dito,' piping dasal ko na lamang.
Ilang sandali pa'y bumukas na muli ang pinto at tinawag na ako ni ma'am para pumasok.
Jusko kinakabahan ako. Isipin pa lang na baka nakilala ako no'ng lalakeng 'yon dahil sa nangyare kanina. Nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba.
'Bakit ba kasi sininok na naman ako?' Naweirduhan pa siguro ito sa'kin kasi bigla akong tumakbo kanina. Sino ba ang hindi diba. 'Eng-eng ka talaga Patty. Hindi ka nag-iisip.'
"Ms. Salvador you can come in now and introduce yourself to them," nabalik ako sa katinuan nang tawagin ako ni ma'am na nasa harap na ng table niya habang nakangiting sumisenyas na pumasok na ako. Nag-aalinlangang ngumiti ako sa kanya.
'Pwede pa bang magback out?'
"Come on! Don't be shy, come! Kahit naman mga balahura itong mga 'to, mababait naman sila." Natatawang biro ni ma'am.
Narinig kong nagreklamo ang mga tao sa loob dahil sa sinabi ni Ma'am. Ang kwela niya. Infernes mabait si ma'am. Ang ganda ganda pa niya. Nakakainggit parang mas bata pa siyang tingnan kaysa sa'kin. Ang unfair, it's so unfair. No choice na rin naman ako. Naririto na rin lang naman papasok na ako. Hindi ko na lang siya titingnan.
Nakayuko ang ulo na tuluyan akong pumasok sa loob. Nakalapit na ako kay Ma'am heto at nakayuko pa rin ako. I can feel na nakatingin silang lahat sa'kin pero hindi ko magawang tumingin pabalik sa kanila.
"Hi? Hi po sa inyo. I'm Patty Salvador. Nice to meet you," nakayuko pa rin ang ulo na pagpapakilala ko sa kanila.
Gusto kong i-angat ang ulo ko at hanapin ang kinaruroonan ng lalakeng iyon pero natatakot din ako sa pwedeng makita na reaction niya.This belongs to NôvelDrama.Org.
Pero ilang segundo na ang nakakalipas wala pa rin akong naririnig na nagsasalita ni isa sa kanila. 'May mga tao ba dito?'
Kaya naman napilitan akong i-angat ang ulo sa pagkakayuko para makasigurong may mga tao nga. Wala kasing nagsasalita kahit isa sa kanila. 'What??? Seryoso to?'
Hindi ko mapigilang mamilog ang mga mata sa nakikita. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Wala man lang ni isang babae sa loob kung hindi ako at si Ma'am lamang. Sa pagkakatanda ko pang 22 na ako sa department na ito pero hindi nila sinabi na puro lalake ang mga magiging classmates ko.
'Totoo ba 'to?!
Sa dating pinasukan ko kasi sa department na kinabibilangan ko doon anim kaming babae at lahat sila ka-close ko.
Natawa si Ma'am sa reaction ko. "Ikaw lang ang nag-iisang babae na naging ganyan ang reaction sa pagpasok sa department na ito Ms. Salvador."
"Bakit po Ma'am? I mean ano po ang ibig ninyong sabihin?"
"You really don't know?" Namamanghang tanong nito.
Umiling ako sapagkat wala akong idea. Bakit? May kababalaghan bang nangyayare dito? Natakot ako sa naiisip ko. Kinilabutan ako bigla.
"Marami na ang mga babaeng nagtangkang pumasok sa architecture course specially this department. Nag shift pa sila ng course nila para makapasok lang sa department na ito pero walang tumatagal." "Ba--bakit po? Ma--may multo po ba dito?" Nauutal na tanong ko dahil sa takot.
Wala akong nakuhang sagot mula kay Ma'am. Nakatitig lang siya sa'kin at makikita sa mukha niya ang hindi pagkapaniwala sa sinabi ko. Sobrang tahimik din nilang lahat. Kinikilabutan na tuloy ako. Nagulat na lang ako ng bigla sabay-sabay silang bumunghalit ng tawa.
Doon nagsimulang umingay ang loob ng room namin. Nagsitawanan ang lahat kasama si Ma'am, just because of what I said.
Bakit mali ba ang tanong ko? Weird bang itanong 'yon? Tawa sila ng tawa at habang patagal ng patagal nakakaramdam na ako ng hiya.
'Patty, ano ba kasi ang iniisip mo? Nakakahiya ka.'
Si Ma'am naman kasi kakaiba magkwento. Parang tunog horror sobrang matatakutin pa naman ako.
"That was priceless."
"And her expression was epic."
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sabi ng mga kulugong ito. Tawanan ba ako?
"Okay class, cut it out. Nahihiya na si Ms. Salvador." Sabi ni Ma'am na hindi na tumatawa pero nakangiti pa rin.
Humihina na ang kanina lang ay punong-puno ng tawanan sa loob ng department.
"Interesting."
"She really is."
"Oh well, want a bet?"
Bigla nagkagulo sila. Hindi na ako makasabay sa usapan. Nakatingin lang ako habang nagkukumpulan na sila.
"One week?"
"No! Make it two."
"Okay! Two weeks."
"What will you gonna bet this time?"
"My Lamborghini."
"Whoa! That's awesome dude."
"Which one?"
"The red one."
"Cool! I like that."
"And you Jimenez?"
"My Ferrari."
"Whoa! That's a good deal bro."
At anong nangyayare? Bakit may pustahan ng nagaganap? Pinagpupustahan ba nila ako? Bigla uminit ang tuktok ko. Ang sarap nilang pag-uuntugin. Natakot kaya ako kanina. "Pagpasensiyahan mo na sila. Ganyan lang talaga sila lalo na sa mga bago wala kasing tumatagal dito, pero mababait naman ang mga 'yan," sabi ni ma'am habang nakangiti sa'kin. "Okay class, stop that and be quite," turan ni ma'am na pinakinggan naman ng mga ito. "May bakanteng upuan sa second row sa pangalawa sa hulihan, sa unahan ni Mr. Del Fierro, doon ka na lang maupo Ms. Salvador. Don't worry may katabi ka d'yan wala lang siya ngayon dahil may inaasikaso." Tinuro ni Ma'am ang tinutukoy niyang uupuan ko. Sinundan ko ang tinuturo niya sa likod. Dalawa ang bakanteng upuan doon. Sa likod no'n naruroon ang lalakeng nagpapabilis ng tibok ng puso ko sa hindi ko maintindihan na dahilan. 'Siya kaya si Prince? Hindi ako sure.' May katabi siya sa kanan niya na sobra ang pagkakangiti sa'kin. 'Tsk! That playboy, hmp!'
Del Fierro? Siya kaya 'yong tinutukoy ni Ma'am? Bakit doon pa? Wala na bang ibang bakanteng upuan? Ma'am naman! 'Teka, wait! Del Fierro? Siya ba 'yung anak ng pinaka mayaman dito sa bansa? Totoo?' Aacckkk, bigla nakaramdam ako ng sobra sobrang hiya. He's the famous Prince Del Fierro, no wonder pinagkakaguluhan siya ng halos lahat ng babae dito.
Ngayon pa lang na nakikita ko siya mula dito sa malayo bumibilis na ang tibok ng puso ko paano pa kapag sobrang lapit ko na sa kanya?
Marahan akong naglakad sa direction na sinabi ni ma'am pero pakiramdam ko nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi naman siya nakatingin sa'kin pero bakit ganito ang nararamdaman ko? "Ms. Valdez?"
Nahinto ako sa paglalakad at tiningnan ang nagsalita. Someone is raising his hand. Siya 'yong ngiting-ngiti sa'kin at katabi ng lalakeng nakasama ko sa music room.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "What is it Mr. Martinez?"
"It's not proper to wear a cap inside the room, right?" Nakangising turan nito sabay kindat sa'kin.
"Oh! I forgot. Ms Salvador could you please remove your cap then we will start the first topic." "Whoahoy, nice one Martinez." Rinig kong Sabi naman ng isa sa unahan sa pangatlong row. "Ang lupit mo Martinez!"
"The ultimate babaero in the class is now alive."
Kasabay ng sigaw no'ng isa ay nagtawanan ang halos lahat ng naririto. May mga sumisipol at ang iba nama'y napapa-palakpak pa.
Hindi ako nagkamali, babaero nga. Kitang kita kasi sa mukha niya. 'Tsk!'
"I'm not a womanizer," tanggi ni Martinez.
"Say's who?"
"Talk to my palm, Martinez."
"Okay, that's enough boys," pigil ni Ms. Valdez sa mga ito. Seryoso na ito.
Malapit na ako sa pinakadulo ng mapansin kong lahat sila nakatingin sa'kin maging ang lalakeng nakasama ko sa music room. Nag-iinit na naman ang mga pisngi ko. Not now Patty. Kalma ka lang. I instantly remove my cap that covering my long hair at dali-daling pumunta sa magiging upuan ko ng nakayuko. Pinili ko ang upuan sa kaliwang bahagi kung saan si Mr. Martinez ang nasa likuran. Pero bago ako makaupo nagsalita ang lalakeng nakasama ko sa music room slash Prince.
"May nakaupo na d'yan."
Kaya no choice sa kanan ako uupo sa harapan niya. Hindi ako mapalagay, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Sa isiping nasa likod ko lamang siya kinakabahan na ako. "Huh? Kung saan-saan naman umuupo si--- aww!" rinig kong naputol ang iba pang sasabihin ni Martinez. "What was that for dude?" I just shrugged my shoulder.
Biglang tumahimik muli. I wonder kung bakit. Pag angat ko ng ulo ko nagulat ako lahat sila nakatitig pa rin sa'kin. Wala nang nagsasalita at hindi na rin sila magulo. Ano na naman ang ginawa ko?
"Okay listen, wala kay Ms. Salvador ang board," turan ni Ma'am Valdez na kinuha ang atensiyon naming lahat. Tumingin ako kay ma'm at ako'y kanyang nginitian. Nahihiyang nginitian ko din siya, pero pasalamat ako kay ma'am naalis ang atensiyon nilang lahat sa'kin.
Ang hirap kapag ikaw ang nasa hot seat. Lalo na ang sitwasyon ko ngayon. I could hardly breath. Para akong natuod sa pagkakaupo pakiramdam ko naulit ang nangyare sa music room. His present in my back is making me insane, 'yong pakiramdam na para bang nakayakap pa rin ito sa akin. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa itinatakbo ng isip ko.
Bago matapos ang oras ng klase ni Ms. Valdez tinawag niya ako ng malapit na siya sa pinto.
"Good luck sa'yo Ms. Salvador," sabi niya paglapit ko.
"Para po saan ma'am?"
"I saw your grades last year at matataas iyon."
"Naku, nakakahiya naman po."
"I'm looking forward na mas galingan mo pa dito sa new school mo and prove them." sabi ni ma'am at inginuso ang mga tao sa loob. "Prove to them that they are wrong," 'Yun lang at tuluyan na siyang umalis. Naguguluhan ako sa sinabi niya pero maya-maya lamang naintindihan ko na ang tinutukoy niya. Pinagpupustahan ako ng mga kulugong ito kung tatagal ba ako sa course na pinili ko at sa department na ito. Dahil doon uminit na naman ang tuktok ko. Pagsusumikapan ko pa lalo para patunayan sa mga kulugo na ito na kaya ko at mali sila sa iniisip nila sakin. Hindi lahat ng babae ay katulad ng mga nanggaling dito.
'Iba ako and I will proved them that.'