Her Name Is Monique

CHAPTER 28: Betrayed



(Patty)

Dahil nga sa nangyare sa akin noong audition, na-postpone ang pag announce ng maswerteng babae na magiging member ng Zairin Band.

Sa totoo lang nakalimutan ko na iyon dahil nga sa mga kakaibang dumaan sa akin nitong ilang linggo.

Narinig ko na ini-announce kanina sa buong campus na ngayon nga i-a-announce kung sino ang nakapasa sa audition. Hinihintay ko na lang si Lina para sabay na kami pagpunta sa auditorium. I texted her kaso hindi daw siya makakasabay sa'kin iyon ang reply niya, magkita na lamang daw kami roon. Nalungkot ako, excited pa naman ako pumunta at akala ko makakasama ko siya. Nakakamiss na rin kasi itong kasama. Hindi na kami madalas magkita lately. Siguro dahil busy ito. "Hihintayin ko na lamang siya roon." ngiting turan ko sa sarili.

"Gelo!"

Natigilan ako. Malapit na ako sa auditorium ng para akong naistatwa sa kinatatayuan ko ng marinig ang pamilyar na boses ng babae at ng banggitin nito ang pangalang 'Gelo'. "Ikaw si Gelo, tama?"

Marahan akong humakbang pa-atras upang makita ang mga nag-uusap sa nanginginig na tuhod. Si Gelo!

Wala masyadong tao roon. Sumilip ako mula sa pader at kitang kita ko roon si.... Lina?

Nanlaki ang mga mata ko. 'Anong ginagawa niya dito at sino ang kausap niya?' Nakilala niya si Gelo?' Si Gelo ba na nakilala ko sa ampunan ang kausap ni Lina ngayon? Pero paano? Paano niya nahanap si Gelo? Bakit hinahanap ni Lina si Gelo?'

Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko ngayon. Ang kabog sa aking dibdib ay mas palakas ng palakas habang sinusubukan kong silipin ang mukha ng lalakeng kausap nito, ngunit natatakpan ito ni Lina. Paano nakilala ni Lina ang lalakeng matagal ko ng hinahanap? Samantalang i-kwinento ko lamang sa kanya si Gelo.

"How did you know my second..... name?"

Napakurap ako ng ilang ulit. Boses ba ni Prince iyon? Sa sobrang pagkataranta ko at sa kakapilit na silipin ang mukha ng lalake dumulas ang mga kamay ko.

Shit!

Kung hindi ako nakahawak sa bakod baka nasubsob na ako sa lupa dahilan naman para tumama ang binti ko sa kung saan.

Aww! Shit! Ang sakit!

Napapahiyaw kong turan sa isip. Yung mukha ko panigurado hindi na maipinta sa panget. Sobrang sakit, ang buto ko sa binti ang tumama sa kahoy na hindi ko napansing nakausli sa bakod. Umiiyak ako ng tahimik at walang sound dahil inaalala ko na baka marinig ako ni Lina at ng kausap nito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan na may lumabas na daing sa aking bibig.

Kahit nasaktan na, hindi pa rin ako umalis doon. Gusto kong malaman kung sino ang Gelo na tinutukoy ni Lina.

"Paano mo nalaman ang second name ko?" ulit ng binata sa tanong nito kanina sa seryosong tono.

"Oh come on, Prince. Hindi mo ba ako naaalala?"

Napamulagat ang mga mata ko. 'Prince? As in si Prince na Zairin boy? Prince Del Fierro?'Content protected by Nôv/el(D)rama.Org.

Magkakilala na ba sila ni Lina noon pa? Pero bakit niya tinawag na Gelo si Prince?

Napatakip ako sa bibig gamit ang dalawa kong kamay ng maglakad si Lina papalapit kay Prince. Nakita ko ang seryosong seryoso na expression sa mukha nito.

'Totoong si Prince nga ang kausap ni Lina. Anong kaugnayan nito kay Gelo? Gelo pala talaga ang second name nito na hindi natapos sabihin sa akin Prince noong nasa music room kami. Siya rin ba ang Gelo na hinahanap ko?' "If I knew, I wouldn't ask you." pagsusungit nitong turan kay Lina.

"Ako ito, yung batang nakasama mo sa ampunan."

'Teka! Anong sinasabi ni Lina?'

Shock na titig na titig ako sa kanila. 'Paanong? Anong sinasabi ni Lina?'

Alam kong galing din ito sa ampunan tulad ng nasabi nito sa akin. Ngunit wala itong naikwento sa akin na katulad ko may hinahanap din siyang tao. 'At bakit si..... Gelo?'

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"What are you trying to say? Anong ampunan ang sinasabi mo? Iniinsulto mo ba ako?"

"What? Hindi mo talaga ako natatandaan? Ako ito, yung palagi mong ipinagtatanggol noon. Nangako ka pa nga sa akin noon na magkikita pa rin tayo kahit na anong mangyare noong bago tayo magkahiwalay dahil may umampon sa akin." Tulala akong nakatitig sa kanilang dalawa. 'It was me. At story namin iyon ni Gelo. Bakit sinasabi ngayon ito ni Lina kay Prince? Bakit niya inaangkin ang mga nangyare sa amin noon ni Gelo.' Hinawakan ko ang aking dibdib dahil ramdam na ramdam ko roon ang kirot. 'Lina, bakit mo ito ginagawa?' Nag-init ang paligid ng mga mata ko, nangilid ang mga luha ko. 'Paano mo nagawa sa'kin ito?'

"Matagal na kitang hinahanap, Gelo. Simula ng may umampon sa akin noon hindi ka na nagpakita sa akin. Simula rin noon hinanap na kita."

"Are you kidding me? Paano kitang matatandaan kung in the first place hindi naman ako nanggaling sa ampunan."

"Gelo? Bakit ka ba ganyan? This is not pair. Sobrang tagal kitang hinanap." narinig kong humikbi si Lina.

'Lina, why are you doing this? This is not pair.'

Hinigpitan ko ang hawak sa dibdib dahil kumikirot iyon.

"W-what?" gulong gulo na tanong ng binata habang natataranta na hindi malaman ang gagawin dahil nagsimula ng umiyak si Lina.

"Bakit hindi mo tanungin ang mga magulang mo ngayon about sa accident na nangyare sa'yo noong maliit ka pa. Kaya siguro hindi mo ako natatandaan, dahil may amnesia ka."

Hindi agad nakasagot si Prince. Ilang segundo itong natahimik at nakatitig lamang kay Lina na patuloy pa rin na umiiyak. "How..... did you know about that?" gulat na tanong ni Prince.

"Ask your parents, para malaman mo. I want you to remember me."

Nakakunot ang noo ni Prince at hindi inaalis ang mga titig kay Lina habang may kinukuha sa bulsa nito. It was his cellphone. Panandalian itong tumingin sa cellphone at nagdial doon saka nito ibinalik muli ang tingin kay Lina. Inilagay nito ang cellphone sa kanang tainga.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang susunod na mangyayare.

'Ako! Ako ang nakasama ni Gelo sa ampunan at hindi si Lina.'

"Mom!" panimula ni Prince sa kausap nito sa kabilang linya. "I just want to ask something, at gusto ko, magsabi kayo ng totoo sa akin." seryoso itong nakatitig kay Lina na huminto na sa pag-iyak.

"Hindi niyo ba ako tunay na anak? Galing ba ako sa..... ampunan? Just..... answer..... me, mom!"

'Prince, ikaw ba si Gelo?' hindi ako mapakali.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ang naging reaction ni Prince. Gulat na gulat itong tumitig kay Lina.

"W-what? Are.... are you sure? Is that really true?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kausap nito sa phone saka nakailang hakbang pa-atras at dumistansiya kay Lina, bago nito ibinaba ang cellphone sa tagiliran nito at tumitig lang muli kay Lina.

"Gelo! Ikaw nga si Gelo!" tuwang tuwa na turan naman ni Lina saka hinawakan ang tigkabilang braso ng binata. Anong nangyayare? Paano nakilala ni Lina si Gelo?

Napakapit ako sa pader dahil feeling ko tutumba ako. Sumandal ako sa pader dahil nakaramdam ako ng hilo at pinangangapusan ako ng hininga. 'Siya nga ang Gelo na nakasama ko sa ampunan. Bakit hindi ko siya nakilala? Bakit hindi ako gumawa ng paraan noon para malaman na siya nga si Gelo? Bakit hindi ko pinanindigan ang kutob ko una pa lang na siya nga ang Gelo na matagal ko ng hinahanap?'

Lumingon akong muli sa kinaroroonan ng dalawa and it hurt me more dahil kitang kita ko ng yakapin ni Lina si Prince habang hinahayaan naman siya ng binata. Tahimik akong lumuluha habang nakahawak sa dibdib at tinititigan ang dalawa. 'Paano mo nagawa sa akin ito Lina. You're my friend."

Gusto kong tumakbo papalapit sa kanilang dalawa at sabihin na ako, ako ang nakasama talaga ni Gelo noon sa ampunan, na inangkin lamang ni Lina ang nakaraan namin. Ngunit ayaw humakbang ng mga paa ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.