Greek 1: The Alpha's Bride

Chapter 35: Kabanata 34



Chapter 35: Kabanata 34

Kabanata 34:

Choices

_____________

Clarity

Agad akong napatakbo dahil sa sinabi ng dalawang batang iyon. Lumingon-lingon pa ako sa likuran ko

para tignan sila ngunit wala na sila doon kaya mas lalo ko pang binilisan ang pag-takbo ko.

Napahinto ako sa pagtakbo ng may marinig akong boses sa tenga ko.

"Huwag mo kaming katakutan binibini."

"Hindi kami masama tulad ng iyong iniisip."

Pinilig ko ang ulo ko at nagsimula na ulit akong tumakbo. Bakit ko ba naririnig ang boses nila?

Tumama ang noo ko sa matigas na bagay kaya bumagsak ako sa lupa. Napahawak ako sa noo ko at

naramdaman kong parang may bukol iyon. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Kier.

"What are you doing here? This place is not safe."

Tinulungan niya akong tumayo at hinawakan niya ang noo ko. Hinilot-hilot niya 'yon gamit ang

kaniyang hinlalaki. Namangha ako sa mukha niya.

"Hey, what are you looking at?"

Umiling-iling lang ako sa sinabi niya at bahagya akong umatras. Napansin kong may dugo ang gilid ng

kaniyang labi kaya napangiwi ako, "Ano 'yan?"

"What?"

Nginuso ko ang kaniyang labi at napadaing siya ng hawakan niya iyon. Tinititigan ko lang ang bawat

galaw niya. Wala ako sa katinuan.

"It's nothing."

Yumuko nalang ako dahil wala na naman akong sasabihin.

Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong dumaan siya sa gilid ko. He's now walking away from

me. I smiled. May pag-asa pa ba talaga ako?

"Ate Clarity!"

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Leewier kasama si Hades. Nilingon ko ulit si Kier sa likuran

ko at nakita kong wala na siya doon. N-nasaan na siya?

Tinignan ko si Leewier at nakakunot ang noo niya, "May problema ba ate?"

"W-wala. Hinahanap ko lang ang kuya mo."

"Wala dito ang Alpha, Luna. Kasama siya ng Omega."

Napangiwi ako sa sinabi ni Hades. Paanong kasama siya ni Sarfie eh kasama ko lang siya kanina

diba? Kung hindi siya 'yon, sino ang kasama ko? Kung si Kier naman ang kasama ko, sino ang

kasama ni Sarfie? Ang gulo.

"P-pero kasama ko---"

"Kasama ng Omega ang Alpha."

Napabuntong-hininga nalang ako. Oo, si Kier ang kasama ko kanina. Dama ko 'yon. Hindi ako dapat

maniwala sa kanilang dalawa, "Ano bang ginagawa niyo dito?"

"Pinapasundo ka sa amin ni Kuya Kaleb."

Napa-'Aaaaah' nalang ako sa sinabi ni Leewier. Bakit naman ako pinapasundo ni Kuya? Whatever.

Sumama nalang ako sa dalawa. Nasa likuran ko silang dalawa. Napapalingon ako sa kanilang dalawa

dahil parang ang tahimik nila pero naririnig ko ang boses nila sa tenga ko.

"What's your problem Hades? Wala akong ginawang masama sa'yo pero bakit hindi mo ako

pinapansin?"

"Shhh. Wala lang 'to Leewier."

"May sakit ka ba? Sinaktan ba kita? Ano?!"

"Wala nga sabi. Manahimik ka nalang and keep walking. Please?"

I just rolled my eyes. Ano naman kayang problema nang dalawang 'to? Parang may L.Q kung mag-

usap. Hinarap ko silang dalawa kaya napahinto sila sa paglalakad.

"M-may kailangan ka ate?"

Ngumiti ako kay Leewier, "Wala." I sighed and I face Hades, "Ayusin niyo ni Leewier ang problema

niyo. Naririnig ko ang usapan niyong dalawa, okay? Fix all your problems."

I tapped the shoulder of the both of them before leaving them. Whooo. Dumiretso na ako sa kwarto ni

Kuya at nadatnan ko siyang nagbabasa ng mga papel habang may suot siyang eye glasses. Cute.

Nadako ang paningin sa akin ni Kuya ng kumatok ako sa pintuan. Ngumiti siya sa akin kaya pumasok

na ako sa loob. Tinignan ko ang kabuuan ng kwarto niya, maayos naman.

"M-may kailangan ka Kuya? Bakit mo ako pinasundo sa dalawa?"

Tinuro niya ang upuan sa harapan niya kaya umupo ako doon. Tinanggal niya ang suot niyang eye

glasses at pinagsakop ang mga kamay niya, "What do you want to do?"

"H-huh?"

Anong pinagsasasabi niya?

"Tuturuan kita ng Claskiwey language para maintindihan mo ang sinasabi ng ilan nating mga tauhan.

And also, para hindi ka ma-out of place."

I frowned. Out of place talaga?

"Gusto mong maalala ka ni Ethan, hindi ba?"

Tumango ako kay Kuya. Gusto ko nang maalala niya ako pero hindi ko alam kung ano ang gagawin NôvelDrama.Org: owner of this content.

ko. Hindi ko alam ang mga hakbang.

"First one, kailangan mo siyang dalhin sa mga lugar na lagi niyong pinupuntahan dati."

Huh? Bukod sa office at apartment ko, saan pa ba kami pupunta? Kailangan ko bang bumalik sa

mortal world... nang kasama siya?

"Why would I do that?"

"To get it easier. Mas mapapadali kung dadalhin mo siya doon para maalala niya ang mga gusto

niyong gawin."

"Aaaaaaaah."

Hinampas niya ang table niya ng malakas kaya nabaling ang atensiyon ko sa kaniya. Galit ba 'tong

kapatid ko?

"Second, pagsilbihan mo siya. Kung anong ginagawa niya sa'yo dati ay gawin mo rin sa kaniya."

I smiled with that. Mukhang madali yata ang pangalawang choices na 'to. Ipagluluto ko siya. Ihahatid

ko siya. Aalagaan ko siya--- wait, ihahatid? Tama bang gawin 'yon ng isang babae?

Wala nang pero-pero, kailangan akong maalala ni Kier bago pa ako makuha nila Miguel!

"And, what is the third choice?"

"Hmmm,"

Nilagay niya ang kamay niya sa baba niya na tila nag-iisip, "Aja!" Nagulat ako nang dinuro niya ako.

Parang may light bulb sa ulo niya nang sabihin niya iyon.

"A-ano yon kuya?"

"Say the magic word."

Napangiwi ako sa sinabi niya, "I Love You, 'yun?"

Tumango-tango naman siya sa akin at ngumiti. I Love You? Solusyon ba 'yon? Parang ang lame

naman yata kung gagawin ko pa ang choice na 'yon.

"Ang lame."

He smirked with that. Lumapit siya sa akin kaya napanguso ako, "Try me Clarity. It will

work."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.