Kabanata 96
Kabanata 96
Kumapit si Meredith sa braso ni Jeremy sa takot, malinaw na nagpapakabiktima.
Nagawa na niya ang taktika na yun koon ngunit kahit ganon, naniwala pa rin ito nang walang
pagdududa.
Nangungutyang tumitig ang lahat kay Madeline. Matagal nang nasanay si Madeline sa mga ganitong
tingin, pero di pa rin siya masanay sa makakapatay at malamig na titig ni Jeremy sa kanya.
Sa kanyang isipan, iyon ay isang mukhang minahal niya nang lubusan. Subalit, wala na ang hinhin na
mayroon ito noon.
Sa sadaling ito, habang hawak ni Jeremy si Merefith, ang kanyang malamig at parang patalim na mata
ay tumagos kay Madeline. "Ma. De. Line!"
Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin nang bigkasin niya ang tatlong pantig na iyon, bawat isa ay
may matinding pwersa!
Nakaramdam si Madeline ng lamig mula sa talampakan niya papunta sa buong katawan niya. Katakot-
takot ito.
Si Meredith ay kasalukuyang nakasandal sa braso ni Jeremy at walang-tigil na umiiyak. "Jeremy, bakit
ba ganito kasama si Madeline? Sinabi niya sa akin na siya mismo ay nabuntis na noon, pero namatay
ang bata habang siya ay nakabilanggo. Dahil naging ina na rin siya, bakit di niya maunawaan ang
pakiramdam ng isang ina?" Sinabi niya habang nakatingin kay Madeline at umiikot ang kanyang luha.
"Madeline, tama na! Ayaw mo bang matahimik ang anak at lolo mo?"
Nang mabanggit ang kanyang lolo at namatay na anak, biglang tinikom ni Madeline ang kanyang
kamao at biglang sumugod ang mahina niyang katawan patungo kay Meredith nang buong lakas.
Hinablot niya sa kwelyo si Meredith at galit na sinampal.
"Ang lakas pa rin ng loob mong banggitin ang lolo at anak ko! Bakit di na lang ikaw ang namatay
Meredith! Ikaw ang pinakakasumpa-sumpa!"
"Ah! Jeremy, ang sakit ng mukha ko!" Paulit-ulit na sumigaw si Meredith.
Biglaan ang pangyayari at di inasahan ni Jeremy na biglang magwawala si Madeline at buong lakas na
susugod.
Nahirapan siya na itulak palayo si Madeline at protektahan si Meredith.
Marahas na naitulak si Madeline, tumama ang likod niya sa pader sa likuran niya. Sobrang sakit ng
pagkakatama niya na hindi na siya makabangon.
Niyakap ni Jeremy si Meredith na umiiyak pa rin at tumalikod. Bago umalis, sinulyapan niya si
Madeline. Ang titig na iyon ay parang isang talim na may lason nang bumaon ito sa mga mata ni
Madeline.
Nasasaktan pa rin si Madeline sa kanyang katawan at isip. Wala na rin siyang lakas para
magpaliwanag at tumalikod na lang mula sa pangungutya ng madla.
Habang pabalik, nakaramdam si Madeline ng sakit mula sa kung nasaan ang tumor. Nanginig siya at
naglabas ng painkiller mula sa kanyang bag. Nang iinom na siya, isang itim na kotse ang biglang
huminto sa harapan niya.
Bumukas ang pinto ng kotse at isang malaking lalaki ang humablot kay Madeline.
"Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!"
Nagpumiglas siya at lalong lumala ang sakit ng kanyang katawan habang nagpupumiglas siya.
Isinilid siya ng lalaki papasok ng kotse at nakita ni Madeline ang malamig na mukha ni Jeremy nang
tumingala siya.
Nakasuot siya ng itim na coat, mukhang galit at punong-puno ng poot.
Nang mapansin ang bote ng gamot na hawak ni Madeline, inagaw ito ni Jeremy, at nang makita na
painkiller ito, ngumisi siya.
"Alam mo rin naman kung paano masaktan diba Madeline? Noong sinaktan mo ang anak ko at inapi
mo si Meredith, naisip mo rin ba na makakaramdam sila ng sakit?"
Galit siyang nagtanong. Nang bigla niyang ipitik ang kanyang palad, itinapon niya palabas ang mga
painkiller.
Namutla ang mukha ni Madeline. Ang bahagi na kung nasaan ang tumor ay sumakit at nahirapan
siyang huminga. Text © by N0ve/lDrama.Org.
"Andar," iniutos niya at kaagad na humarurot sa kalsadaang kotse.
Hindi alam ni Madeline kung saan siya dadalhin ni Jeremy ngunit tiniis niya ang matinding sakit habang
tinitignan niya ang lalaking may matibay at malamig na ekspresyon.
"Jeremy, alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko, pero sasabihin ko pa rin. Di ako ang nanakit sa
anak mo, si Meredith yun…"
"Tumahimik ka!"
Galit siyang sumingit, tumatagos ang kanyang nakakatakot at masamang titig.
"Magsalita ka pa at itatapon kita palabas ng kotse."